Mula sa fresh na fresh na eleksyon dito sa Pilipinas, sari-sari ang emosyon ng bawat isa na aktibo sa social media. Mayroon masaya...nakakaengganyo...nagbibigay ng pag-asa sa iba. Ngunit, mayroon din namang Paulit-ulit...Nakakasawa...Nakakasakit na nang damdamin eka nga.
Sa katotohanan, marami ang nagkasakitan ng dahil sa magkaiba ang paniniwala at sinusuportahang kandidato, mas lalo na ng pagka-pangulo. Palitan ng maaanghang na salita, sangay-sangay na paniniwala, debateng walang hanggan. Dumating pa sa point na nagkakapersonalan na.
Kung matibay ang damdamin mo, makipagtalaktakan ka man sa social media, mananatali pa rin ang relasyon nyo sa isa't isa bilang magkaibigan. Pero, kapag nahaluan na ng personal, kailan nga ba kailangan mo nang humiwalay sa kanya?
Hindi naman kailangan tapusin ang pagkakaibigan. Hangga't kaya, dumistansya na lang muna. Dahil sa bandang huli, mas pipiliin mo pa rin ang ikakabuti para sa sarili mo, mentally at emotionally.

No comments:
Post a Comment