Matagal ng sumisigaw ng pagkakapantay-pantay. Ano man ang nagagawa ng mga lalaki ay kaya ring gawin ng mga babae, madalas higit pa!
Gaano ba ito ka-importante? Kailangan ba talaga nating maramdaman na pantay lang dapat ang turing ng lipunan?
Ang babaeng nasa bahay ay hindi dapat ni-la-"lang." Gigising sa umaga, maggagayak ng mga pagkain ng asawa at mga anak. Maghahanda ng mga isusuot na uniform, papaliguan ang mga bata, sisiguraduhing may baon ang darling sa pagpasok sa trabaho, maglilinis ng bahay, mag-aalaga pa ng mga naiwang anak, magluluto, magliligpit, mamalengke, magwawalis ng bakuran...ano pa?
Ang babaeng nasa labas upang magtrabaho, by choice or by needs, sumasabay sa hamon ng buhay. Nakikipagsiksikan sa sakayan, maswerte na lang kung may service.
Ang babaeng nasa labas upang maki-marites...charot lang!
Hindi na yata kailangan na makipantay o makipagkompetisyon sa mga lalaki. Mas mahalaga pa rin na nagagampanan mo ang tungkulin mo bilang babae, bilang nanay, bilang ate, tita, o lola, kaibigan at marami pang iba.
Hindi na mahalaga kung nasaang lebel ka ngayon, mas mahalaga... Babae Ka!

No comments:
Post a Comment